^

Para Malibang

Nagpapakamartir si mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong seaman pero hindi kuntento ang misis ko na maiwan sa bahay kahit malaki ang sahod ko. Isang nurse ang misis ko na nabo-boring sa bahay kaya pinayagan ko siya magtrabaho. Hindi pa nakuntento ang misis ko. Gusto rin niya mag-abroad na pinayagan ko pa rin. Kahit hipag ko na lang ang nagbantay at nagpalaki na rin sa nag-iisang anak namin. Hanggang ayaw na umuwi ng misis ko ng ‘Pinas mula Canada. Nakita ko na lang sa Facebook na may lagi siyang kasama na isang nurse rin. Yun na pala ang BF niya at nakikipaghiwalay na siya sa akin. Tinanong ko kung saan ako nagkulang, pero wala raw sa akin ang problema kundi nasa kanya. Bakit ganun ang kapalaran ko, ibinigay ko naman lahat. Kahit ano kakalimutan ko at handa akong magpakamartir bumalik lang ang misis ko. Pero ayaw na niya. Saan ba ako nagkulang? - Jun

Dear Jun,

Huwag mong sisihin ang sarili mo gaya ng sabi ng misis mo dahil siya ang may problema. Mahirap talaga ang magkalayo ang mag-asawa, maraming tukso na hindi napaglabanan ng misis mo. May mga bagay na hindi natin kontrolado. Pero huwag ka pa rin sumuko paliwanagan mo pa rin si misis na baka magbago, alang-alang sa inyong anak at nang mabuo ang inyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with