Magic na paglilinis ng microwave
Kadalasan pagkatapos magluto sa microwave ay hindi inaasahan na ‘di agad ito nalilinis. Dito nagsisimula ang amoy mula sa malagkit na tumulo sa mga niluto. Minsan sa katagalan ay naninigas na rin ang mga natuyong pagkain sa paligid ng microwave.
Simple at madali lang kung paano lilinisin ang dumi na mula sa na-bake at natapon na pagkain sa loob ng microwave.
Kailangan lang lagyan ng tubig ang isang tasang kape o coffee cup, dagdagan ito ng slice na lemon. Pakuluan ng isang minuto ang tubig at iwan ito sa loob ng microwave. Ilagay ito sa loob ng microwave at balikan ito pagkatapos ng 10 minutes.
Pagbalik ay kita agad ang magic na kusang nalulusaw ang mga nanigas na pagkain na mas mabilis mawala pagkapunas ng malinis na basahan. Instant tanggal din agad ang hindi kaaya-ayang amoy sa loob ng microwave.
Ito ang inyong Kumpunerong Kuya, na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest