^

PSN Palaro

Pacquiao ilalabas ang bangis vs Matthysse

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao ilalabas ang bangis vs Matthysse
Nag-pose sina Manny Pacquiao (kaliwa) at Lucas Matthysse ng Argentina nang muling magharap sa press conference sa Malaysia.
Wendel Alinea/OSMP

‘Di hadlang ang edad para magtagumpay

MANILA, Philippines — Para kay eight-division world champion Manny Pacquiao, hindi magiging hadlang ang edad upang makamit ang tagumpay laban kay reigning World Boxing Association welterweight champion Lucas Matthysse.

Kilalang mabilis kumilos si Pacquiao sa loob ng ring kasabay ng malulupit na kumbinasyon na naging armas nito para humakot ng kaliwa’t kanang titulo sa kanyang buong karera.

At ngayong 39-anyos na ito, tiniyak ni Pacquiao na hindi pa rin nawawala ang bagsik ng kanyang kamao na magiging sandata nito laban kay Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kailangan lang aniya ng disiplina sa sarili at tamang preparasyon upang maibalik ang kanyang bangis.

“It’s not about a number, it’s not about age, that doesn’t matter. It depends how you discipline yourself in training, how you prepare,” wika ni Pacquiao sa press tour na ginanap sa Kuala Lumpur.

Nakatakdang magsimula ang ensayo ni Pacquiao sa Lunes kung saan sasailalim muna ito sa magagaan na workout dahil matagal-tagal din itong nabakante.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2 ng nakaraang taon kung saan naagaw ni  Australian Jeff Horn ang kanyang WBO welterweight belt sa bakbakang ginanap sa Brisbane.

“Roadwork muna dahil matagal din akong nabakante. Depende pa rin kung paano magrerespond ‘yung katawan ko sa training. After ng roadwork pwede na siguro magsimula sa gym,” wika ni Pacquiao.

Habang wala pang linaw kung muling hahawakan ni American trainer Freddie Roach ang training ni Pacquiao, pansamantalang mamanduhan ni Buboy Fernandez ang workout ng Pinoy boxing sensation.

“Wala pang official announcement sa talagang status ni coach Freddie pero gagawin ko ang tungkulin ko bilang assistant coach habang wala pa siya. Mahusay na trainer si coach Freddie at marami akong natutunan sa kanya,” pahayag naman ni Fernandez.

Hindi naman nalalayo ang edad ni Pacquiao kay Matthysse.

Apat na taon lang ang tanda ni Pacquiao sa Argentinian kaya’t halos hindi nalalayo ang kundisyon ng kanilang pangangatawan.

Tiniyak din ni Pacquiao na hindi pa ito ang kanyang huling pagtungtong sa ring dahil nais nitong idaos sa Pilipinas ang kanyang magiging huling laban.

Kaya pa aniyang lumaban ng dalawa pa bago tuluyang magretiro.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with