^

Punto Mo

Honest airport cleaner!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TUWANG-TUWA ang isang OFW ng ibalik sa kanya ng isang janitor sa NAIA Terminal 1, ang kanyang naiwang pitaka na napulot nang huli sa loob ng banyo ng paliparan. 

Sa tuwa nagpadala ng sulat si Gil Wee, taga - Davao City,  kay MIAA General Manager Ed Monreal, para pasalamatan si Andrew Visca, airport cleaner for being ‘honest man!’

 Birada ni Wee kay Ed kahit P4,000 ang laman ng kanyang pitaka ay malaki ang kanyang pasasalamat dahil may ginintuan puso si Visca kaya naman hinimok niya ang airport general manager na bigyan ng pagkilala ang pobreng alindahaw.

Kuento ni Wee, last March 20, habang naghihintay siya ng kanyang flight papuntang Korea via US of A, naihi ito kaya pumasok sa banyo pero laking gulat niya ng malaman niya after 2 hours na nawala ang kanyang pitaka.

 Binalikan ni Wee ang kanyang wallet sa banyo at nagtanong kay Visca na mabilis na nagsauli ng kanyang pitaka.

Naniniwala si Wee na marami pang mga taga - NAIA ang ‘honest!’

 Kung matatandaan ng madlang people dyan sa Clark International Airport umani ng batikos ang MIASCOR ground baggage handler dahil ninakawan ng tauhan nito ang bagahe ng mag-watot na balikbayan from Canada.

Sa pangyayaring ito personal na humingi ng paumanhin si Boss Digong sa mag-watot at pinahinto ang operasyon ng MIASCOR sa paliparan at maging sa tinapos ni Moreal sa NAIA Terminals ang contract nila.

Ika nga, terminated!

• • • • • •

Julio Diaz, sabit sa illegal drugs                                   

 

Nagsisisi si Mariano de Leon Regaliza o Julio Diaz, ang nalaos na beteranong actor dahil hinuli siya ng mga pulis sa Meycauayan, Bulacan, sa paggamit diumano nang illegal drugs.

Huhuhu!

Marami ang nagulat ng mapanood siya sa teleserye este mali telebisyon pala kasama ang mga pulis na nakaposas dahil sa isyu ng droga.

Kamakailan ay nabigla tayo ng mabalitaan nating nagkaroon ito ng brain operation dahil sa aneurism pero binigyan siya ng pangalawang buhay ni Lord at naka-recover ito sa sakit kaya naman balik artista siya sa isang tv network.

Nagtataka tayo kung bakit hindi napigilan ni Julio ang mag-droga?

Bakit kaya?

Hindi ba naka-recover na ito sa kanyang sakit?

Sabi ng ilang kritiko mukhang nakasanayan na niya diumano nito ang bumatak?

Hindi biro ang balita kay Julio dahil mukhang lumalabas na high value target siya ng kapulisan sa kanilang lugar.

Sana magmuni-muni ito sa kulungan para kapag lumabas siya ay magbago na siya ng bisyo.

Matatandaan si Julio ay nakilala ng todo sa movie world noong 1993 sa kanyang award winning epek este mali epic pala na Sakay.

Bago ito maoperahan tinapos niya ang ‘Ma’ Rosa,’ ang pelikulang inilaban pa sa Palme de Or noong 2016 Cannes film festival. Si Jaclyn Jose, ang tinanghal na kampeon dito bilang ‘best actress.’

Abangan.

 

AIRPORT CLEANER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with