Sister Fox nagsasalita sa mga rally – Malacañang
MANILA, Philippines — Kinontra ng Malacañang ang pahayag ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na hindi raw nagsasalita sa mga rally ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagsisinungaling sa CBCP si Sister Fox dahil kamakailan lamang ay nagsalita sa isang stike ng mga empleyado ng Coca-Cola sa Davao City ang nasabing madre.
Ipinakita pa ni Roque sa media briefing ang isang larawan na nagpapakitang may hawak na microphone si Sister Fox habang nagsasalita sa strike ng mga empleyado kamakailan lamang.
“Palagi naman po nagsasalita yang mga yan, mga pari mga madre. Nagsasalita sa mga rally yang si Sister Fox,” sabi ni Roque.
Magugunita na kamakailan ay inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration si Sister Fox sa tahanan nito sa Quezon City dahil sa pagiging undesirable alien kaugnay sa pagdalo sa mga kilos-protesta sa bansa na mahigpit na ipinagbabawal sa mga dayuhan. Pinalaya rin si Fox dahil hindi naman ito nahuli sa akto na nakikiisa sa kilos-protesta.
Noong 2013 ay inaresto na rin si Sister Fox makaraang makiisa ito sa rally ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa Tarlac.
Related video:
- Latest