^

Bansa

EU reso vs drug war binanatan ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng Malacañang ang tahasang panghihimasok muli ng European Union (EU) parliament sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang resolusyon na nananawagan na itigil ng Duterte government ang extra-judicial killings sa drug war nito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, tahasang pakikialam sa Pilipinas ang panawagan ng EU parliament sa kanilang resolusyon na ipinatitigil ang EJK sa drug war ng administrasyon kung saan ay sinasabi nilang nasa 12,000 na ang nasasawi.

“Asan ang ebidensya na may 12,000 namatay na,” tanong ni Roque.

“May mga kaso na ta­yong nakasampa laban sa mga pulis, hindi lang iyong kay Kian delos Santos. May mga pulis sa Pa­yatas na may nakabinbin na kaso,” dagdag pa ni Roque.

“We find it unfortunate that the European parliament once again interfered with affairs of Philippine state. I find it inconsistent that that EU would condemn the war against drugs that they are partly financing. We have no problems with the European Union. Government under Pres. Duterte does not engage in the so-called extrajudicial killings,” wika pa niya.

EUROPEAN UNION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with