^

Bansa

Lipat-kulungan ni Sombero ibinasura

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalewala ng Sandiganbayan 6th Division ang kahilingan ng akusado sa P50 milyong suhulan sa Bureau of Immigration na mailipat ng kulungan.

Sa halip ay inutusan ng korte ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na tiyakin ang kaligtasan ng umano’y middleman ng negosyanteng si Jack Lam na si Wally Som­bero Jr.

Matatandaan na hini­ling din ng mga akusadong sina dating Immigration deputy commis­sioners Al Argosino, Michael Robles na makulong sa PNP Custodial Center subalit binawi nila ang mosyon.

Base sa comment na ipinadala ng PNP sinabi nila na ang Custodial Cen­ter ay ginagamit lamang bilang ‘temporary or transient basis’ habang nagsasagawa pa ng custodial investigation sa mga kaso.

Kaya isa ito sa ginamit na dahilan ng korte upang hindi pagbigyan ang hiling ni Sombero, na nais makulong sa kustodiya ng PNP dahil siya ay komportable sa kanilang pangangalaga bilang da­ting pulis.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with