Rookie cops isasalang sa SAF training
MANILA, Philippines — Upang mahubog sa disiplina at katapangan, isasalang ng bagong talagang si Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde sa anim na buwang mahigpit na pagsasanay ng elite force na Special Action Force (SAF) ang mga bagitong pulis.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na hindi nila tatanggapin ang mga recruits na PO1 kapag hindi ang mga ito nakapasa sa pagsasanay ng SAF.
“It will promote discipline and attitude of our new recruits, instead na nagte-text lang sila sa kalsada at nagwi-wifi sa loob ng convenience store,” ani Albayalde na sinabing rerebisahin ang ‘basic training’ ng mga nais mag-pulis.
“We have insurgency problem, problems on terrorism, seccesionsist movement hindi ba so kailangan talaga meron pa rin silang military (Internal Security Operations) training and I think with this we will be able to develop discipline ng ating mga pulis and their will to fight like a trooper,” ani Albayalde.
Ang unang anim na buwan ng mga recruits ay sa Philippine Public Safety College na susundan ng 6 na buwan pang pagsasanay sa SAF.
Isasaayos din ang mga pasilidad ng SAF Training School sa Sta. Rosa, Laguna para rito magsanay ang mga bagong recruit ng PNP bilang bahagi ng kanilang On The Job Training (OJT).
- Latest