^

PSN Opinyon

Sino ang tunay na VP?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng taumbayan ang nagaganap na vote re-count sa pagitan ni Leni Robredo at Bongbong Marcos.

Ang tanong ng bayan, sino nga ba ang tunay na VP?

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pagka-panalo ni Leni sa pagka-bise Presidente. Biro nga ng ilan, natulog silang malaki ang lamang pag-gising nila may nanalo nang iba.

Mula noon hanggang sa umupo sa puwesto si Rob­redo, hindi nawala sa isip ng mga tao ang pagdududa kung may dayaan nga ba. Ito ang nag-udyok sa kampo ni Bongbong Marcos na mag-protesta. Bagay na sinang-ayunan naman ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Hiningi namin ang opinyon ng eksperto sa bagay na ito. Sa aking interview kay former Comelec Chairman, Atty. Sixto Brillantes, hinimay namin ang bawat isyu.

Opinyon ng batikang abogado, hindi lalabas sa revision of ballots ang tunay na resulta ng eleksyon. Imposible na malaki ang mabago sa resulta dahil makina ang bumilang sa mga balota.

Kung talagang naniniwala ang kampo ni Bongbong na may nangyaring dayaan, kailangan niyang kuwesti­yunin ang technical examination upang mas madaling masilip kung may naganap nga bang dayaan. 

Dito raw posibleng makita ang katotohanan sa likod ng mga kumakalat na pre-shaded, unused at excess ballots.

Sa isyu naman tungkol sa mga basang balota at mga nakitang damo sa loob nito, iisa lang ang sagot ng abogado. Malamang sa malamang, sinadyang buksan at basain ang mga ito.

Ang palaisipan ngayon kay Juan, sino ang may mo­tibo at kagagawan nito? ‘Yun bang kumukuwestiyon sa resulta o ‘yung pinoprotesta? Kayo na ang humusga!

Gayunpaman, kahit anong pagtatalo at pagpaparinig ng magkabilang kampo hindi ito ang magiging basehan kung sino ang tunay na nananlo. Kaya payo ni Atty. Sixto Brillantes sa abogado ng dalawang kampo, manahimik na lang sa isyu.

Bukod sa nakakadagdag lang ang mga kumag na ‘to sa gulo, maari pa silang masampahan ng kaso. Sa huli, tanging ang PET lamang ang makakapagdesisyon kung sino nga ba ang tunay na VP. 

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with