^

PSN Palaro

F2 Logistics, Petron liyamado

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes (The Arena)

4:15 pm Petron vs Cocolife

6 pm  F2 Logistics vs Foton

MANILA, Philippines — Asahan ang mas ma­tinding pukpukan tampok ang apat na pinakamatitikas na koponang maglalaban-laban para sa titulo ng 2018 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Magsisimula ang best-of-three semifinals sa Martes sa The Arena sa San Juan City kung saan maghaharap ang reigning champion F2 Logistics at Foton sa alas-6 ng gabi habang lalarga ang duwelo ng Petron at Cocolife sa alas-4:15 ng hapon.

Bahagyang liyamado ang Cargo Movers at Blaze Spikers sa serye dahil parehong beterano na ang dalawang tropa na siya ring nagharap sa finals noong nakaraang taon.

Parehong may 9-1 rekord ang F2 Logistics at Petron sa pagtatapos ng eliminasyon.

Sa quarterfinals, mabilis na dinispatsa ng Cargo Movers ang Smart habang iginupo naman ng Petron ang Generika-Ayala.

Subalit alam ng Cargo Movers at Blaze Spikers na ibang usapan na pagdating sa semifinals.

Nakahanda ang two-time semifinalist Foton na bigyan ng magandang laban ang F2 Logistics.

Dalawang bagong manlalaro ang pumasok sa lineup ng Tornadoes sa ngalan nina Diana Mae Carlos at Isa Molde habang maganda na ang inilalaro ni import Channon Thompson kasama sina mainstays Dindin Manabat, CJ Rosario, Maika Ortiz, Gyselle Sy at Canadian reinforcement Elizabeth  Wendel.

Posibleng madagdag pa sa Foton si Jaja Santiago ng National University sa oras na matapos ang laban ng Lady Bulldogs sa UAAP.

2018 PHILIPPINE SUPERLIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with