Comelec diniskwalipika ang mahigit 100 kandidato sa barangay elections
MANILA, Philippines — Mahigit sa 100 kandidato ang pinagbawalan nang tumakbo sa halalaan at humawak ng posisyon sa pamahalaan.
Ito ay matapos silang i-disqualify ng Commission on Elections o Comelec dahil sa kabiguang maghain ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa mga nakalipas na eleksyon.
Ayon kay James Jimenez,Comelec Spokesperson na dumaan sa tamang proseso ang naging pasiya ng ahensiya kasabay nang pagpapaalala sa mga kandidato ngayong Mayo 14 na siguraduhin ang paghahain ng SOCE.
Anya, kung totoo ang hangarin ng mga kandidato na magserbisyo, dapat lamang na totoo din ang pagdedeklara ng mga ito ng dokumento na kailangan sa kanilang kandidatura.
- Latest