12 Surprising Psycho-logy Facts
Ang mister na may naglilihing misis ay nakakaranas ng sympathetic pregnancy. Nakakadama rin sila ng paglilihi sa pagkain at pagkahilo sa umaga. May mga species ng unggoy na nakakadama rin ang lalaking unggoy ng sympathetic pregnancy sa partner nilang buntis.
Ang mga babaeng naninirahan sa bansang may warm climates ay mas concern sa hubog ng kanilang katawan kaysa mga babaeng nasa bansang may cold climates.
Ang mga taong may mataas na level ng pagkabalisa at nerbiyos ay natatandaan ang litrato ng mga taong may takot sa kanyang mukha kaysa litrato ng taong may kalmadong mukha.
On average, kailangan ang 66 days para maging habit ang isang bagay na laging ginagawa.
Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga kapatid para maging mahusay tayo sa pakikisama sa ibang tao.
Mas nagiging mabilis ang pagte-text kapag ang ka-text ay crush mo.
Binabago ng stress ang brain cells, structure at function ng utak.
Mas creative tayo sa gabi kaysa hapon.
Ang ating utak ay naglalabas ng relaxing hormones kapag nakakakita ng kulay asul.
Madalas na sinisisi natin ay tao kaysa sitwasyon kapag nabigo tayo.
Kadalasan ay matataba ang anti-social at unpopular teenage girls pero slim ang popular at sociable girls.
Ang emotional pain ay may malaking epekto sa iyong inuugali kaysa physical pain.
- Latest