Matandang Tinali (76)
“KAILAN pa nagkaroon ng tao diyan sa kubo sa kabilang farm, Manong Naldo?’’ tanong ni Dong habang nakatanaw sila sa bintana.
“Noong isang araw ko lang nalaman. Pero hindi ko pa nakikita.’’
“Ah bago lang talaga. May mga damit nang nakasampay o. Mukhang diyan na talaga titira.’’
“Oo nga. Pero hindi ko lang alam kung ilan ang titira. Kahapon ko lang napansin na may tao dahil may nakita akong usok sa kusina.’’
“A baka katulad ko ring taga-ibang lugar ang nakatira riyan. Siguro’y baguhan din dito.’’
“Baka nga.’’
“Mabuti naman at mayroon na akong kapitbahay dito.’’
“Talaga bang magtatagal ka rito, Dong?’’
“Opo. Dito muna ako. Magpapalimot sa mga masasamang nangyari sa Maynila. Muntik na akong madis- grasya, Manong.’’
‘‘Anong disgrasya?’’
‘‘Sangkot ang isang babae, Manong.’’
“Anong nangyari?’’
Ikinuwento ni Dong ang tungkol kay Babes. Ganundin ang pagkakabaril sa katiwalang si Boy.
Hindi makapaniwala si Manong Naldo.
“Mabuti na lang at naiwasan mo ang babaing yun. Baka pati ikaw ay nabaril. Mabuti at nakaligtas ang tauhan mo.’’
“Oo nga po. Mga notorious na magnanakaw pala ang dalawang iyon. Kung hindi sila napatay ay baka marami pa silang naperwisyo.’’
“Pero muntik ka nang mabitag talaga?’’
“Opo. Magpapatikim na sana e mabuti na lamang at naudlot. Kundi e baka maging mahirap pa ako sa daga. Tiyak na sisimutin ang ari-arian ko ng walanghiyang yun.’’
“Mabuti nga e rito ka muna. Tahimik dito. Walang magnanakaw at mamamatay tao.’’
“Nagka-phobia na ako sa babae, tuloy Manong.’’
“Aba sayang naman ang batuta mo kung hindi magagamit.’’
“Okey lang na di makapag-asawa.’’
“Aba huwag.’’
Napangiti si Dong.
‘‘Teka nga pala Manong, okey pa ba ang sapa? Gusto kong maligo bukas.’’
“Oo okey pa. Malinis at malinaw ang tubig.’’
Kinabukasan, naligo si Dong.
Masarap maligo. Ito ang gusto niya.
Tinanaw niya ang kubo. Wala siyang nakitang tao sa labas.
Kinagabihan, tinanaw niya ang kubo, may ilaw dun.
Mabuti at may kapitbahay na siya.
(Itutuloy)
- Latest