Digong ‘di na maglalabas ng EO vs ‘endo’
MANILA, Philippines — Wala ng lalagdaang Executive Order (EO) si Pangulong Duterte laban sa ‘endo’ o end of contract.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kinatigan ni Pangulong Duterte ang posisyon ni Labor Sec. Silvestre Bello na hayaan na lamang ang Kongreso na magpasa ng batas para rito.
“President Duterte may no longer issue an EO on endo; the position of DOLE Sec. Bello is to leave it up to Congress, and I believe this is also the position of the President,” paglilinaw ni Roque.
Magugunita na ipinalutang kamakailan ng isang labor organization na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte ang EO laban sa ‘endo’ bago ang pagdiriwang ng Labor Day sa darating na Mayo 1.
Magugunitang matagal ng inaabangan ng ilang labor groups ang EO laban sa “endo” lalo pa’t kasama ito sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya.
Inihayag ni Sec. Bello sa hiwalay na press briefing na balak na lamang ni Pangulong Duterte na sertipikahang priority bill ang panukalang batas sa Senado para sa security of tenure ng mga manggagawa.
Una ng sinabi noon ni dating Deputy Executive Secretary at ngayon ay Justice Sec. Menardo Guevarra na limitado lamang ang magagawa ng Executive Department at kailangan ang legislative action para tuluyang matigil ang “endo” sa bansa.
- Latest