P2 per minute ng Grab, ipinatigil ng LTFRB
MANILA, Philippines — Ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab Philippines ang paniningil ng mga ito ng P2 per minute charge sa mga pasahero.
Pinag-aaralan din ng LTFRB ang isang Department Order 2015-001 ng DOTC noon na nagbigay ng pahintulot sa Grab na sila mismo ang magde-decide sa halaga ng singil sa kanilang pasahe.
Sinasabing na-pressure umano ang LTFRB sa mga reklamo hinggil sa isyu kaya’t nagdesisyon na ipatigil ang pagsingil sa umano’y “hidden surcharge” ng Grab.
Una rito, hiniling ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles sa LTFRB na i-refund ang nasingil na P2-per-minute charge ng Grab sa kanilang mga pasahero.
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi aprubado ng LTFRB ang P2 per minute charge pero ginigiit ng Grab na nakapaloob sa naturang kautusan ng DoTC ang ginawa nilang paniningil sa kanilang mga pasahero.
- Latest