Philippines - US Balikatan aarangkada na
MANILA, Philippines — Aarangkada na muli ang Phl-US Balikatan war games o joint military exercises na ika-34 na serye na karamihan ay isasagawa sa mga lokasyon sa Luzon mula Mayo 7 hanggang 18 ng taong ito.
Sa pinagsamang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Embassy, nabatid na itutuon ang isasagawang joint military exercises sa humanitarian civic action sa ilang mga istratehikong lugar sa Cagayan at Central Luzon.
“Throughout Balikatan, Philippine and US forces will be working shoulder to shoulder in information exchanges and live training events, this will enhance both forces interoperability in planning and execution of joined and combined operations to advance regional security operations and collaborative actions in addressing security concerns,” ani Lt. Liezl Vidallon, Public Information Officer ng AFP Balikatan 34 sa taong ito.
Sinabi naman ng US Embassy na nagsimula na ang community engagement activities sa Luzon bago pa man ang opening ceremony ng nasabing joint military exercises. Ang Balikatan 34-2018 ay taunang idinaraos ng tropa ng US at Pilipinas upang paigtingin pa ang mutual defense counter terrorism, humanitarian assistance at disaster relief.
Ang war games ay alinsunod sa umiiral na Mutual Defense Treaty at Visiting Forces Agreement.
Nakatakda ring makilahok ang Australia at Japan sa ilang major training events ng naturang joint military exercises.
- Latest