Ginataang Tahong
Ang ginataang tahong ay kikalang Pinoy recipe na paboritong ihanda sa mga probinsya lalo na iyong malapit sa dagat. Isa sa pangunahing sangkap nito ay ang gata na alam naman nating nakapagpapagana sa ating kain.
Bukod sa simple lang ito lutuin ay swak din ito sa budget.
Maaaring nagdagdag ng gulay tulad ng kangkong para may dagdag sustansya. Kung mahilig naman sa maanghang ay pwede rin itong lagyan ng sili.
Sundan lamang ang steps:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, at luya.
2. Ilagay ang gata, lagyan ng kaunting patis, paminta at pakuluin ng hanggang 10 minuto sa katamtamang apoy.
3. Kapag medyo kumonti na ang gata ay maaari nang ilagay ang gulay.
4. Pagkatapos ng isang minuto ay isunod na ang tahong (lutuin lamang ng hanggang limang minuto para hindi ma-overcook).
5. Patayin ang apoy at ihanda kasama ang bagong lutong kanin.
- Latest