^

PM Sports

Tig-4 record sa swimming at athletics nasira

Francisco Cagape - Pang-masa
Tig-4 record sa swimming at athletics nasira
Ang discuss thrower na si Ed Delina ng Central Luzon sa kanyang gold winning performance.
PM photo ni Joey Mendoza

Vigan City, Philippines – Apat na record sa swimming ang binura ng NCR tankersa at may apat ding record ang nabura sa athletics sa  pagpapatuloy kahapon sa  2018 Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Sports Complex dito.

Humataw si Zoe Marie Hilario ng NCR para itala ang tiyempong 2:24.44 sa secondary girls 200-m individual medley ng aquatic event at lampasan ang dating 2:25.66 ni Althea Lim ng NCR  noong 1998 Palaro.

Ang kanyang teammate na si Philip Joaquin Santos ay lumangoy din ng 2:13.05 sa parehong secon-dary boys 200m individual medley upang higitan ang dating 2:13.28 ni Carlo Piccio ng Western Visayas noong 1998 Palaro rin.

Rumatsada rin si Micaela Jasmine Mojdeh ng NCR din sa elementary girls 200-m individual medley sa oras na 2:33.12 para burahin ang dating 2:33.71 ni Raven Faith Alcoseba ng Central Visayas sa nakaraang Palaro sa San Jose, Antique.

Ang ika-apat na nai-talang bagong record sa swimming ay mula kay Mark Jiron Rotoni ng NCR din sa kanyang 2:27.66 sa secondary boys 200-m breaststroke na mas higit pa kaysa dating 2:28.28 ni Drew Magbag ng NCR noong 2017 Pa-laro sa Antique.

Nakasungkit din ng ikalawang gintong medalya si Jalil Sephraim  Taguinod matapos pa-ngunahan ang elementary boys 200-m individual medley sa oras na 2:26.45.

Sa athletics, nagtala si Ed Delina ng Central Luzon ng 42.67-meter sa boys secondary discuss throw para lampasan ang 13 taong record na 41.62-m ni Clifford John Bonjoc ng Central Visayas noong 2005 Palaro. Kahit ang pumapangalawang si John Rafael Lamatan ng Calabarzon ay nagrehistro rin ng 41.85-meter na mas mataas pa rin sa record ni Bonjoc.

Ang iba pang bagong record holder ng taunang paligsahan para sa mga students-athletes na may edad 17-anyos pababa, ay sina Celeste Kent Brian ng Ilocos Region na tu-malon ng 1.99-meter sa secondary boys high jump na mas mataas pa kaysa dating 1.95 ni Alexis Soqueno ng Western Visayas noong 2015 Palaro sa Tagum, Davao del Norte.

Si Avegail Beliran ng Western Visayas ay nagtala rin ng 41.46-meter sa elementary girls javelin throw upang higitan ang 40.63m ni Gia Bucag ng Western Visayas noong 2010 Palaro.

Ang pang-apat na bagong record ay kayVeruel Verdadero ng Calabarzon  na nagtala  ng 10.55 segundo sa center-piece 100m dash para burahin ang  10.74 ni Feberoy Kasi ng Soccsksargen noong 2016 Palaro sa Legazpi City. 

Dalawang beses bi-nura ng 16-anyos na si Verdadero ang record ng century dash matapos magtala aang 2018 Siklab Awardee ng 10.65 sa heats ng nasabing event noong Lunes.

SWIMMING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with