^

Dr. Love

In-love sa churchmate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Anthony ng Christian Faith Community, aktibong attendee sa aming church. Marami po akong natututunan tuwing Linggo sa sharing ng aming head pastor. Talagang tumatagos sa aking isip at puso ang bawat paliwanag niya ng Mabuting Balita.

Kaya Sabado pa lang ng gabi ay naghahanda na ako para sa morning worship. Kinabukasan, Sunday isang attender ang tinawag ni Pastor James sa unahan para magbigay ng testimony. Humanga ako sa buhay niya. Inabandona na sila ng kanyang ama pero nagsikap pa rin siya hanggang sa maiangat ang buhay nila ng kanyang ina at bunsong kapatid. Hindi siya kagandahan pero nakakabilib ang dedikasyon niya at faith kay God.

Humanap talaga ako ng paraan para mapalapit kay Sister Janna, Dr. Love. At ‘yun nga ang nangyari. Wala sanang problema dahil dalaga siya at binata ako, pero panay ang paalala ng kanyang ina na huwag munang mag-boyfriend dahil nag-aaral pa ang kanyang bunsong kapatid sa senior high.

Ok lang naman sa akin ‘yun, Dr. Love. Ang kaso ay naaapektuhan na ang aking pag-attend tuwing Sunday, nawawala na ako sa focus. Dahil si Sister Janna na ang laman ng isip ko. Sa totoo lang, nagtapat na ako sa kanya. 

Ngayon ay balisa ang puso at naitatanong ko kay Lord kung bakit pareho kaming mahirap ni Janna. Ayokong sisihin si Lord. Dr. Love, tulungan mo akong magkaroon ng tamang desposisyon at tunay na manalig kay Lord. Thank you po with that, to God be the glory.

Anthony

Dear Anthony,

Maraming salamat sa pagbabahagi mo. Ang akala ng ibang tao, kapag Christian ka ay perpekto ka na.  Hindi ko sinasabing mali na magkagusto ka kay Sister Janna na iyong hinahangaan at sabihin na nating iyong minamahal.

Ayon nga sa Mabuting Balita, unahin mo ang kaharian ng Diyos at ang lahat ay mapapasa iyo. Learn to surrender everything to Him. At ipagpatuloy mo lang ang pagwo-worship mo kahit may bumabagabag sa iyong puso. Isama mo rin sa iyong prayers ang nararamdaman mo para kay Sister Janna. Walang pwedeng makapaghiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with