^

Bansa

Roque sa holocaust photo ni Robredo: Parang fashion model, kuntodo pose

Pilipino Star Ngayon
Roque sa holocaust photo ni Robredo: Parang fashion model, kuntodo pose
Presidential Spokesperson Harry Roque during a press briefing in Malacañang on April 5, 2018.
PPD/Yancy Lim

MANILA, Philippines – Ikinagulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kumalat na larawan ni Bise Presidente Leni Robredo at iba pang mambabatas na miyembro ng Liberal Party sa Holocaust memorial sa Berlin, Germany.

Inakala ni Roque noong una na peke ang kumalat na larawan ngunit nakumpirma niya itong totoo nang humingi ng paumanhin si Robredo.

“Well akala ko fake news iyon, kasi hindi ako makapaniwala na pangalawang pinakamataas na opisyal sa ating bayan kasama pa ang mga congressman, kasama pa senador eh gagawin iyon. So talagang akala ko fake news iyon. Kaya ang sabi ko, naku… given the benefit of the doubt, baka fake news,” wika ng tagapagsalita sa kaniyang panayam sa Radyo Pilipinas.

“Kaya nga po na-shock ako noong humingi siya ng kapatawaran—bagama’t humingi ng kapatawaran, hindi ko talaga maintindihan ano ang pumasok sa kanilang mga isipan,” dagdag ni Roque.

Inaalala sa naturang lugar ang pagkamatay ng milyung-milyong Hudyo.

Kasama ni Robredo sa litrato sina Sen. Francis Pangilinan, Rep. Jose Christopher Belmonte (Quezon City, 6th District), Rep. Teddy Baguilat Jr. (Ifugao) Rep. Miro Quimbo (Marikina City), Rep. Jorge Banal (Quezon City, 3rd District), Rep. Kaka Bag-ao (Dinagat) at dating Budget Secretary Florencio Abad.

“Alam mo kasi, hindi lang ordinaryong ngiti iyong ginawa nila – para silang mga fashion model sa—talaga kuntodo pose sila doon. Sabi ko ano ba iyan, hindi ba nila naintindihan kung ano iyong pinuntahan nila?” patuloy ni Roque.

Inako ni Robredo ang responsibilidada at humingi ng paumanhin sa publiko.

“While there was no malice in it, I take full responsibility, so I would like to apologize for whatever offense to the sensitivities of the people it caused.”

Nasa Germany sina Robredo para sa study tour for poverty alleviation.

Binaggit naman ni Roque ang code of conduct for public officials kung saan dapat ay hindi “kapula-pula ang iyong mga aktuwasyon bilang isang public official.”

 

LIBERAL PARTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with