^

Pang Movies

Apo ni Kuya Germs, nawindang nang makita si P. Duterte

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Apo ni Kuya Germs, nawindang nang makita si P. Duterte
Luis

Siguro kung nabubuhay pa ngayon si Kuya Germs, proud na proud na naman siya dahil sa kanyang apo na si Luis Gabriel Moreno. Si Gabby kasi ang nagsindi ng Olympic cauldron sa Palarong Pambansa na ginanap sa Bantay, Ilocos Sur noong isang araw. Pero hindi karaniwang pagsisindi iyon ng Olympic flame, kasi pinana ni Gabby ang cauldron ng palasong may apoy.

Aminado si Gabby na isa ring champion archer na sigurado naman siyang mapapatama ang kanyang arrow sa cauldron, pero kinabahan din siya nang makita niyang isa sa mga nanonood sa gagawin niya ay si Presidente Rodrigo Duterte. Mukhang napakataas ng tingin ni Gabby sa presidente na siguro hindi niya malalaman ang kanyang gagawin kung nagkamali siya.

Si Gabby ay anak ng nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno, na member din ngayon ng MTRCB.

Natatandaan namin, noong manalo si Gabby ng kanyang kauna-unahang Olympic gold, ilang sandali lang pagkatapos noon ay kausap na namin si Kuya Germs sa telepono at masayang-masayang ibinabalita na sa amin ang panalo ni Gabby. Nang manalo kasi ang kanyang apo, siya ang unang tinawagan. Dahil din naman sa accomplishment ng kanyang apo, na napakahirap ding gawin, talagang pinagpilitan ni Kuya Germs na maisama agad iyon sa Walk of Fame.

Si Kuya Germs mismo, sa kabila ng pamimilit sa kanya ng lahat na mai­lagay doon ang kanyang pangalan, tumatanggi. Pero noong si Gabby nga ay manalo ng Olympic Gold, talagang nilagay niya agad. Iba talaga ang tingin basta apo ang nagkaroon ng accomplishment.

Kaya diyan sa bagong ginawang iyan ni Gabby, alam naming masayang-masaya si Kuya Germs sa kabilang buhay.

Kanta ni Gary V. hindi bumagay sa Bagani

Nanonood kami ng Bagani, nang bigla na lang bumunghalit sila ng kanta at ang kanta ay iyong kanta ni Gary Valenciano na Natutulog Ba Ang Diyos. Sus ginoo, ano ba ang kinalaman ng kantang iyon sa kuwento ng Bagani? Iyon ay isang example ng maling gamit ng musika.

Iyon kantang iyon kasi ay masyadong identified sa isang singer, at tema pa ng isang pelikula noong araw. Kaya nang ipasok nila sa eksena, pagkarinig namin corny na, inilipat na agad namin ng channel ng TV namin. Maaga tuloy kaming nakapanood ng Discovery Channel.

Naiintindihan namin ang mga gumagawa ng mga teleserye. Kung minsan may mga bagay na nangyayaring wala talaga sa kanilang plano, kagaya nga niyang Bagani na nagpapalit ng cast sa kalagitnaan ng takbo, pero sana naman pag-isipan nilang mabuti ang isinasama nila sa serye. Hindi iyong ganung bigla na lang bumunghalit ng kanta na sa totoo lang hindi bagay sa show.

Aktres hinahabol ng bangko

“Hindi lang nila alam, marami ng utang si ma’am,” sabi ng isang confidante ng isang aktres. Hindi kami naniniwala sa tsismis, dahil papaano namang mangyayari iyon eh napakalakas naman ng kita niya in the past.

“Eh kasi masyadong maraming gastos para kay sir, hindi naman kumikita iyon nang malaki. Kaya kailangang si Ma’am ang gumawa ng paraan. Sa totoo lang nagulat din kami nang malaman namin ang mga utang niya sa bangko,” sabi ng source.

Kapani-paniwala kung ganun.

LUIS GABRIEL MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with