^

Bansa

NFA Council chief sinibak ni Digong!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
NFA Council chief sinibak ni Digong!
Kinumpirma mismo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang statement sa Malacañang matapos mapaulat na ibinalik na rin sa ilalim ng pamamahala ng Department of Agriculture ang National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA) at Fertilizer and Pesticide Authority.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinibak ni Pangulong Duterte si Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. bilang pinuno ng NFA Council.

Kinumpirma mismo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isang statement sa Malacañang matapos mapaulat na ibinalik na rin sa ilalim ng pamamahala ng Department of Agriculture ang National Food Authority (NFA), National Irrigation Administration (NIA) at Fertilizer and Pesticide Authority.

Pinulong kamakalawa ng gabi ni Pangulong Duterte ang NFA council sa Malacañang kung saan ay inihayag nito na tinatanggal na nito bilang miyembro at pinuno ng 18-member council si Evasco na umupo bilang chairman sa loob ng isa’t kalahating taon.

Bukod kay Evasco, hindi na rin miyembro ng NFA council ang Development Bank of the Philippines (DBP) at ipinalit ditong miyembro ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inatasan na rin ng Pangulo si NFA Admi­nistrator Jason Aquino na umangkat na ito ng bigas upang magkaroon muli ng stock ang NFA.

Magugunita na nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Evasco at Aquino sa isyu ng pamamaraan ng pag-angkat ng bigas upang mapunan ang kakulangan sa buffer stock ng ahensiya.

Nilinaw naman ni Roque na hindi nilulusaw ni Pangulong Duterte ang NFA Council, bagkus nagkaroon lamang ng reorganisasyon.

LEONCIO EVASCO JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with