^

Bansa

42 SAF troopers binigyan ng Medalya ng Kagitingan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
42 SAF troopers binigyan ng Medalya ng Kagitingan
Si Pabalinas ang sinasabing team leader ng blocking force ng SAF commandos para makatawid ang tropang may dala ng daliri ng international terrorist na si Zulkifli “Marwan” bin Hir at maisailalim sa kumpirmasyon.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Du­terte ang paggawad ng Medalya ng Kagitingan sa Malacañang kay PC/Insp. Ryan Pabalinas at 41 pang miyembro ng PNP-Special Action Force 44 o SAF 44 na nasawi sa Mamasapano encounter noong January 25, 2015.

Si Pabalinas ang sinasabing team leader ng blocking force ng SAF commandos para makatawid ang tropang may dala ng daliri ng international terrorist na si Zulkifli “Marwan” bin Hir at maisailalim sa kumpirmasyon.

Ang grupo ni Pabalinas ang may pinakamalaking bilang ng casualties kung saan 35 commandos ang napatay matapos silang mapalibutan ng pinagsanib na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at private armed groups (PAGs).

Inaprubahan ng Pa­ngulo ang paggawad ng Medalya ng Kagitingan sa 42 pang SAF commandos noong Pebrero 2017.

Magugunitang noong 2016, nabigyan na ng pinakamataas na parangal sina Sr. Insp. Gednat Tabdi at PO2 Romeo Cempron.

PNP-SPECIAL ACTION FORCE 44

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with