Kakandidato sa Barangay, Sangguniang Kabataan abot na sa 80,000
Mahigit 80,000 na ang mga naghain ng kandidatura para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Base sa pinakahuling tala ng Commission on Elections (Comelec), kabuuang 80,748 Certificate of Candidacies (COCs) ang naihain na sa iba’t ibang mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa.
Mula sa nasabing bilang, 60,992 ang mga naghain ng kandidatura para sa Barangay kung saan 8,202 ang kumakandidato para sa posisyon ng Barangay Chairman habang 52,790 naman ang kandidato para sa posisyon ng Kagawad.
Para naman sa SK, kabuuang 19,756 COCs na ang naihain kung saan 4,443 ang tumatakbo sa pagka-chairman, habang 15,313 ang kagawad.
Ang kabuuang bilang ng mga botante para sa BSKE ay mahigit 78 million kung saan 57.3 ay mga botante sa barangay habang 20.6 million naman ang botante para sa SK.
Ang paghahain ng COCs ay nagsimula noong April 14 at tatagal hanggang April 28, 2018.
- Latest