^

Bansa

Paglabas ng ‘narco list’ ok sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor si Senate President Koko Pimentel na ilabas ang listahan ng mga opisyal ng barangay na pinaghihinalang sangkot sa iligal na droga sa gitna nang nalalapit na Sanguniang Kabataan at Barangay elections.

Ayon kay Pimentel, dapat ilabas ang lista­han upang mabigyan ng pagkakataon ang opisyal na malinis ang kanilang pangalan.

Sinabi pa ni Pimentel na makatarungan para sa lahat ng sangkot na mailabas sa publiko ang listahan kaysa sa manati­ling sikreto at magamit pa ng ilang tiwaling indibiduwal sa pangingikil.

Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, kung sakaling ipalabas ang listahan, dapat linawin na preliminary lamang ito at hindi “conclusive” lalo na kung wala pang naihahaing kaso.

Mas makakabuti rin aniya kung ipalalabas ang pinanggagalingan ng impormasyon kung hindi naman confidential.

Una nang ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na nasa 9,000 ang bilang ng mga barangay captain na nasa “narco-list” ni Pangulong Duterte.

SENATE PRESIDENT KOKO PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with