^

Punto Mo

Pinakamalaking clean-up drive samundo, nilahukan ng 15,000 katao sa Bangladesh

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang lungsod ng Dhaka sa Bangladesh matapos higit 15,000 katao roon ang lumahok sa isang malawakang clean-up drive.

Nasa 15,304 ang nagtipon-tipon noong nakaraang linggo sa isang lansangan sa nasabing lungsod upang sabay-sabay na magwalis at maglinis ng kapaligiran.

Ilang linggo rin ang naging preparasyon para sa pagtitipon. Abril 4 ay hinihimok na ng mayor ng Dhaka na si Sayeed Khokon ang mga residente ng lugar na lumahok sa malawakang paglilinis.

Dininig naman siya ng libu-libong mga taga-Dhaka at matapos lamang ng dalawang oras na pagwawalis noong Abril 13 ay idineklara kaagad ni Khokon na nakamit na nila ang bagong world record.

Dinaluhan ng isang kinatawan ng Guinness World Records ang pagtitipon sa Dhaka upang kumpirmahin na may bago na ngang world record.

Higit na mas malaki ang bilang ng mga lumahok sa cleanup drive na isinagawa ng mga taga-Bangladesh kaysa sa 5,000 na lumahok sa da­ting world record na itinala ng mga taga-India noon lamang isang taon.

SAYEED KHOKON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with