SPES umarangkada na
MANILA, Philippines — Umarangkada na ang taunang Special Program for Employment of Students ng Metropolitan Manila Development Authority katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE). Dalawandaang estudyante ang magte-training sa iba’t ibang upisina ng MMDA sa loob ng isang buwan. Sila ay magsisilbing clerks, computer operators, public relations assistants, research assistants, records clerks, legal assistants, messengers, engineering aides, statistician aides, data encoders at iba pa.
Layunin ng SPES na maturuan ang kabataan sa mga mandato ng MMDA - traffic management, solid waste management, urban planning, health, public safety, environmental protection and flood control management, at public safety.
- Latest