Birthday wish ni Erap: Serbisyuhan ang Manilenyo
MANILA, Philippines — Maserbisyuhan pa ang mga Manilenyo.
Ito naman ang birthday wish ni Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang ika-81 taong kaarawan bukas. Aniya, dalangin niya sa Diyos na palawigin pa ang kanyang buhay upang makapagbigay pa ng maraming magagandang serbisyo sa mga kababayang Manilenyo.
Ayon sa alkalde, hangad niyang manatili ang tiwala sa kanya ng Manilenyo bilang alkalde at mahalal sa ikatlong termino sa Maynila upang matupad ang pangarap niya na mapayabong at mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayang ng lungsod. Dagdag sa hinihinging biyaya ng alkalde ay mapagtagumpyan ang lahat ng paninira, pangungutya sa kanya, at mabigyan siya ng lakas at kalusugan upang mapaglingkuran nang maaayos ang mahihirap na kababayang Manilenyo.
- Latest