Matthysse biyaheng Maynila
MANILA, Philippines – Patungong Pilipinas ngayon si reigning WBA welterweight champion Lucas Matthysse para sa press conference ng laban nila ni Manny Pacquiao bukas.
Kasama ng Argentinian na si Matthysse ang kaniyang manager na si Mario Arano.
Hindi naman makararating ang promoter niyang si Oscar dela Hoya ng Golden Boy Promotions.
Maghaharap sina Pacquiao at Matthysse bukas sa Paranaque para sa unang stop ng kanilang promotional tour.
Pagkatapos sa Pilipinas ay lilipad naman ang dalawang boksingero patungong Malaysia kung saan gagawin ang kanilang laban.
Magtutuos sina Pacquiao at Matthysse sa Hulyo sa Kuala Lumpur.
"Hopefully I can retire Manny Pacquiao. We are prepared for that, prepared to win," banggit ng 35-anyos na boksingero.
Related video:
- Latest