P18-M puslit na sigarilyo nasabat
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit P18 milyon halaga na puslit na sigarilyo na nakalagay sa isang 40 footer container van ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port.
Idineklara ang kargamento na naglalaman ng 890 kahon ng industrial artificial fur texture na ang shipment ay naka-consign sa Madrid Industrial Marketing na nakabase sa Paco, Maynila.
Nang busisiin ang container ay nabatid na naglalaman pala ito ng 914 kahon ng sigarilyo na may brand Jackpot, Fortune, John, Marvels at U2.
Nakatakda umanong sumailalim ang shipment sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1400 o misdeclaration, misclassification at undervaluation ng mga idineklarang kargamento na bahagi ng probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act No. 10863.
Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña na ka- kanselahin at sususpindihin ng BOC ang accreditation ng importer at customs broker na nagpasok ng kargamento.
- Latest