AFP, PNP sanib puwersa sa election
MANILA, Philippines — Nakatakdang magsanib puwersa ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang tulungan ang Commission on Elections na mapanatiling maayos ang isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.
Ang pagsasanib ng puwersa ay matapos na sila ay atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang lagdaan ang Memorandum Order 21 para sa deputization ng AFP at PNP sa Comelec resolution 10207 para masiguro na maging maayos, malaya, payapa at credible ang isasagawang barangay elections.
Isasagawa ang barangay at SK elections sa darating na Mayo 14 na orihinal na nakatakda noong October 2016, subalit ipinagpaliban ng Kongreso noong October 2017 hanggang sa iusod sa Mayo 14.
Tinangkang muling ipagpaliban ng Kamara ang nasabing barangay elections, subalit sinalungat naman ito ng Senado.
Maging si Pangulong Duterte ay hindi na rin inendorso ang muling pagpapaliban ng barangay at SK elections.
- Latest