^

PM Sports

PBA legends game inilatag

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Inaasahang mapaplantsa ngayon ang mga proyektong pagsasamahan ng PBA legends at PBA Commissioner’s Office upang makalikom ng pondo na pantulong sa mga retired PBA players na hindi naisaayos ang kanilang pinansyal na katayuan at may mga biglaang hinaharap na malaking pangangailangan tulad ng pagkakasakit at kakulangan sa pantustos sa pagpapagamot.

Ang makatulong ang nasa isipan ng grupo nina Atoy Co, Philip Cezar, Ed Cordero, Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa, Pido Jarencio, Kenneth Duremdes at Art dela Cruz kaya sila ang nagsamasama at bumuo ng foundation.

Kasama si Mon Fernandez sa kanilang initial meeting pero nag-beg off na masama sa board of trustees ng foundation dahil maaaring magkaroon ng conflict sa kanyang posisyon bilang commissioner ng Philippine Sports Commission.

Nahalal na pangulo si Co, vice president si Cezar, secretary si Cordero at treasurer si Caidic.

Nag-donate ng seed money ang UNTV-TV network ng isang religious group na may basketball league na pinamumunuan ni Co at Cordero.

Para lumago ang pondo at mas marami ang matulungan kaya’t nag-iisip ang grupo ng mga fund-raising projects. At ito ang topic ng pakikiupo sa isang pagpupulong ng grupo kay PBA commissioner Willie Marcial ngayong tanghali.

Na-mention na ng grupo ang balaking maghatid ng double-header na legends games kung saan maghaharap-harap ang mga old stars ng Barangay Ginebra kontra Purefoods (Magnolia) at San Miguel Beer kontra Alaska Milk.

Ibig sabihin muling magsasama-sama sina Marlou Aquino, Noli Locsin, Bal David, Vince Hizon, EJ Feihl at mga kasama para sagupain sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Dindo Pumaren, Glenn Capacio at Nelson Asaytono. Samantalang magsusuot uli ng Alaska uniform sina Lastimosa, Duremdes, Johnny Abarrientos, Bong Hawkins, Jeffrey Cariaso at Poch Juino upang subukan ang natitirang tikas nina Caidic, Dela Cruz, Fernandez, Ato Agustin, Hector Calma, Alvin Teng at Bong Alvarez.

Maganda ang response ng mga fans sa dalawang legends game na isinagawa ng PBA sa panahon ni da-ting commissioner Noli Eala, lalo na ang Crispa-Toyota reunion game.

Sana ganoon din ang kalabasan ng mga proyekto ng grupo nila Co upang maraming maipantulong sa mga nangangailang retired players.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with