Pangako ko, tutuparin ko QC Vice Mayor Joy Belmonte
MANILA, Philippines — Bilang aniya’y isang “servant leader”, tiniyak ni Quezon City Vice Mayor at mayoralty aspirant Joy Belmonte na hindi siya magbibigay ng mga pangakong hindi matutupad upang makuha lang ang tiwala ng mga tao at manalo sa eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Belmonte, mali para sa isang pinuno na paasahin ang mga tao sa pamamagitan ng pangangako na wala naman siyang intensyong tuparin.
“I cannot be that kind of leader that I will just die to win an election. I won’t be like that. I cannot be like that, I won’t bribe people and I’m not gonna lie to the people,” pahayag ni Belmonte.
Aniya, mas gusto niyang maging tapat sa kanyang mga kababayan at hindi siya ma-ngangako sa mga tao para lang makakuha ng boto.
Mula nang mahalal bilang bise alkalde noong 2010, tinu-tupad ni Belmonte ang kanyang “people’s agenda for governance” na nagtutulak sa kanya na regular na bumaba sa mga barangay upang makisalamu-ha sa mga ordinaryong tao.
Bilang isang servant lea-der, tinatanong niya aniya mismo ang mga tao kung ano ang mga kailangan at prayoridad nila upang kung sakaling siya ay mangako, magiging makatotohanan ito.
Nakalulungkot aniya na may ilang mga tao pa rin ang naniniwala sa maraming pangako ng mga pulitikong naghahangad tumakbo sa darating na eleksyon.
Tuluy-tuloy ang programang “People’s Day” ni Belmonte na may layuning pakinggan ang tugon ng mga mamamayan tuwing araw ng Martes.
Para sa walang oras pumunta sa city hall, maaari ring tumawag sa Office of the Vice Mayor sa mga numerong 921-77-11 at 988-42-42 local 8205.
- Latest