^

Bansa

500 nurses itututok sa mga naturukan ng Dengvaxia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
500 nurses itututok sa mga  naturukan ng Dengvaxia
Kinumpirma ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na naaprubahan na ni Secretary Francisco Duque III ang deployment ng 150 nurses sa Central Luzon, Calabarzon region, National Capital Region, at sa Cebu.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpakalat na ng inisyal na 150 nurses ang Department of Health (DoH) para sa kabuuang 500 na planong italaga sa pagmomonitor ng mga kalagayan ng mga naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Kinumpirma ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na naaprubahan na ni Secretary Francisco Duque III ang deployment ng 150 nurses sa Central Luzon, Calabarzon region, National Capital Region, at sa Cebu.

Ang nasabing bilang ay orihinal na plano at ang pondo umano ay galing sa regular na budget ng DoH subalit ang karagdagang 350 ay plano pa lamang na pagkuha ng DoH sa oras na maaprubahan na ng Kongreso ang request na magamit ang P1.16 bilyon na inirefund na pera mula sa Sanofi Pasteur.

“So, yung original na 150, iyon yung nauna natin from the regular budget of the DoH doon sa deployment program natin. Yung 350, ayun yung awaiting pa natin na go signal from Congress for us to use the money,” ani Domingo.

Sa kasalukuyan, nakagastos na ang DoH ng P22-milyon para sa medikal ng nasa mahigit 3,000 pasyente na naturukan ng Dengvaxia vaccine.

DENGVAXIA VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NURSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with