^

PM Sports

8 kabayo tatakbo sa Philtobo race

Pang-masa

MANILA, Philippines — Walong mga kaba­yong nabibilang sa edad tatlong taon ang naisali para sa gaganaping Philippine Thoroughbreds Owners & Breeders Organization sa Abril 22, 2018 sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park na nasa Carmona Cavite.

Ang mga ito ay ang Box Office, Mr. Marshall, Tapster, Victorious Colt, Sumilon Island, Congressional, Wonderland at Exaggeration.

Tatakbo sa distansiyang 1,600 meters ang naturang karera na may papremyong P2,000,000 sa kabuuan  kasama na rito ang prize of the day ng naturang karerahan.

Ang magkakampeon ay may tatanggaping P1,200,000 samantalang ang runner-up ay P450,000. Sa ikatlong puwesto ay P250,000 at para pa rin sa ikaapat na puwesto ay P100,000.

Mayroon ding tropeo sa winning horseowner, trainer at pati na rin sa hinete. Ang post position ng mga kalahok ay bobolahin sa Abril 19 sa ika-3:00 ng hapon sa MJCI Handicapping Office. Ipinaaabiso na walang magiging weight allowance kung isang apprentice jockey ang pasasakayin sa kalahok.

Samantala, inianunsyo rin ng Philippine Racing Commission ang pagkakaroon ng 1st Leg ng Imported/Local Challenge race na gaganapin naman sa Abril 29, 2018 sa Saddle Clubs & Leisure Park.

Ang gagamiting basehan ng mga tatakbo rito ay ang Ratings Based Handicapping System (40-up). Maglalaan ng papremyong P500,000 at ang kam­peon ay may P300,000. Sa runner-up ay P112,500 samantalang sa ikatlo ay P62,500 at sa ikaapat ay P25,000. Mayroon ring P25,000 breeder’s purse ang kampeong local horse.

Ang deklarasyon ay magaganap sa Abril 23, 2018 sa PRCI, Makati at ang post position ay sa Abril 25, 2018. Ang nomi­nation at declaration fee ay tatanggapin sa opisina mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. JMacaraig

PHILIPPINE THOROUGHBREDS OWNERS & BREEDERS ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with