^

Para Malibang

Pangalawang Anino (419)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

TULOY ang pag-uusap ng hari ng kadiliman at ni Tagapag-alaga.

Galit ang hari ng kadi­liman. “Magkakagulo ang mundo at langit kapag sinubukang umibig ng anak ko sa babaing banal na ‘yan! Malilintikan sila sa akin!”

“Panginoon ng Dilim, mabuti pa tawagin ninyo ‘yung anak ninyo at kausapin ng masinsinan. Kung talagang ni sa panaginip ay ayaw ninyong mangyari na mapapaibig siya kay Nanette,” sagot ni Tagapag-alaga. Napaisip naman ang hari ng kadiliman.

May timbang ang payo ni Tagapag-alaga.

DUMATING na ang bus sa Maynila.

“Dito na ako bababa, Daniel. Ikaw? Tagasaan ka nga?”

“Ah, malapit lang naman dito sa Calantiao. Gusto sana kitang ihatid kasi gabi na. Baka may mga tarantado.”

“Huwag na. Kaya ko. Hindi nila ako masasaktan.”

Dahil babaing banal ka, sabi ng isip ng prinsepe ng kadiliman.

“Okay. Puwede naman kaya kitang ... madalaw?”

Natigilan si Nanette.

“Bilang kaibigan lang naman. Wala kang dapat ikatakot.” Nag-isip si Nanette. Ayaw niya sana pero naawa naman siyang tumanggi. Nangatuwiran na lamang siya sa sarili. “Bilang kaibigan lang naman. Masyadong maunawain ang mabait na Diyos. Hindi naman siguro problema kung makikipagkaibigan lang ako sa isang lalake. Naging banal ako na wala namang pagbabawal makipagkaibigan sa lalake. It is just my choice dahil nga sa bago kong katayuan. Pero ngayon naman siguro, kung gusto kong makipagkaibigan, walang masama. Basta hindi ako madi-distract sa mga misyon ko.”

“Ang isang kaibigan na dadalaw ay hindi magtatagal, mangungumusta lang, konting kuwentuhan, ‘di ba?”

“Ganoon nga.”

“Then hindi ka makakaistorbo sa mga dapat kong gawain. Kaya puwede. Hindi naman siguro araw-araw mo akong dadalawin, ‘di ba?”

“Ayaw mo nang ganoon siyempre.”

“Marami akong dapat gawin. Maraming dapat unahin. Kaya hindi kita mapagbibigyan kung lagi kang pupunta sa amin.”

Gusto na namang mainsulto ni “Daniel” dahil halos niri-reject na naman siya. Itutuloy

KADILIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with