^

PSN Opinyon

Paalala ng NAIA sa mga bakasyunita

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TINIYAK ni MIAA General Manager Ed Monreal sa madlang people na ang NAIA ay handa ngayon tag-init matapos tapusin ng PAGASA ang northern monsoon.

Inaasahan ni Ed, ang mataas na bilang ng madlang passengers na naglalakbay sa ilang mga lokal na destinasyon.

Ibinida ni Monreal, na kinausap niya ang mga local carrier na may mga rutang domestic para matiyak na hindi magkakaroon ng napakahabang pila sa mga check-in counter dahil sa kakulangan ng mga tao o maantala na pagbubukas ng kanilang counters.

Tirada ni Ed, ang summer ay isang family matter. Kaya mayroong mga magulang na nakasamang naglalakbay ang kanilang mga anak. Dapat nating isipin na ang mga ito.

Ibinida ni Ed, na nakumpleto na kamakailan ng MIAA ang pagpapapalit ng mga depekto cooling coils at naka-install stand-alone conditioning units sa NAIA Terminal 3.

Kaya naman inaasahan ni Monreal, na magiging panatag ang mga madlang passengers pasahero para ma-relax habang inaantay nila ang kanilang departure flights ngayon summer season.

Noong nakalipas na administrasyon napakainit ng temperatura sa Terminal 3 domestic gate na kadalasan inirereklamo ng madlang passengers todits.

Kaya naman ang pagkabit sa mga stand-alone unit sa Terminal’s international gates ay in progress.

Kambiyo issue, pinababantayan maigi ni Monreal sa kanyang assistant general manager for security na subaybayan nito ang operasyon ng mga taxi sa terminals para mabilis na maaksyunan ang mga pang-aabuso ng ilang taxi drivers sa madlang passengers na sumasakay sa mga ito.

‘Gusto namin maging masaya ang gagawin pagbabakasyon ng mga pasahero sa Philippines my Philippines ngayon summer kaya naman dapat suklian sila ng magandang serbisyo.’ sabi ni Monreal.

Pinasalamatan ni Ed, ang LTFRB at ang I-ACT, bilang pakner ng MIAA upang masiguro ang ligtas at maayos na operasyon ng transportasyon sa NAIA.

Tinagubilinan ni Monreal, ang AGM for  Security na magpatupad ng mga karagdagan foot at mobile patrol, K9 visibility, pamahalaan ang daloy ng trapiko sa Terminal premises at mga adjacent road networks at patindihin ang intelligence gathering.

Sabi nga, hindi pakaang-kaang!

Iniutos din ni Monreal,  sa apat na Terminal Managers para matiyak ang lahat ng mahahalagang mga pasilidad ay nagtatrabaho at maiwasan ang downtime. Katulad ng  pangangalaga ng mga banyo ang isa sa pinaka-prioridad ni Ed.

Ayon kay Ed, ang NAIA comfort rooms ay may mga diaper changing tables para sa mga babies at toddlers, hand dryers at bidets, toilet papers, paper towels, hand soaps at hand sanitizers ay kailangan mayroon ang mga banyo sa paliparan.

Dahil sa inaasahang sangkaterbang madlang people nagbigay ng mga paalala si Monreal upang makatulong sa mga pasahero na maghanda sa isang ‘hassle free’ flight.

Tulad ng - suriin ang iyong flight at petsa ng pag-alis. Siguraduhin na alam mo kung aling terminal ang iyong flight na  itinalaga.

Sa mga international flights kailangan nasa airport ang pasahero nang hindi bababa ng 3 hours na sa Terminal bago ang departure time.

Sa domestic flight, dapat hindi bababa ng dalawang oras sa departure time.

Mag-empake ng iyong sarili at suriin ang iyong bag bago pumunta sa airport. Tiyakin na walang mga ipinagbabawal na mga items sa loob ng iyong bag.

Alamin ang airline regulations para sa mga baggage allowance at kundisyon para sa promo flight.

Ang airline ticket ay ang iyong kontrata sa airline. I-report kaagad ang anumang kakulangan na mapapansin mo sa iyong bagahe.

Sumunod sa mga patakaran airport at regulasyon. Ang mga ito ay inilaan para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sabi ni Monreal, para sa assistace at puna, makipag-ugnay NAIA voice hotline sa 877-1111 o sa mga SMS hotline 0917-8396242 o bisitahin ang MIAA FB at Twitter @MIAAGovPh

MIAA GENERAL MANAGER ED MONREAL

NAIA

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with