^

PSN Palaro

Lucas kay Pacquiao: Ako ang magpaparetiro s’yo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gusto ni Argentinian world welterweight titlist Lucas Matthysse na siya ang tuluyan nang magparetiro kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

At determinado itong gawin ng 35-anyos na si Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa pamamagitan ng knockout win laban sa 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs).

“Hopefully I can retire Manny Pacquiao, we are prepared for that, prepared to win,” sabi ni Matthysse, itataya ang suot na World Boxing Association welterweight title sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo ng nakaraang taon kung saan siya natalo kay Jeff Horn via unanimous decision at naisuko ang suot na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.

Nakuha ni Matthysse ang bakanteng WBA title via eighth-round knockout win laban kay Teerachai Kratingdaeng Gym ng Thailand sa The Forum sa Inglewood, California noong Enero.

Sinabi ni Matthysse na malaki ang kanyang makukuhang pagkakataon para sa mga bigating laban kung tatalunin niya si Pacquiao.

“I know that winning opens the doors of heaven for the future, but now I'm only thinking about this fight. Either I lose everything or I gain everything, that's the way it is. I am a world champion and he wants my belt; He chose me and I am the one, who gives the OK to make the fight,” ani Matthysse.

Kinuha ni Pacquiao bilang chief trainer ang kanyang kababatang si Restituto "Buboy" Fernandez kasama si Raides "Nonoy" Neri.

Si Joel Diaz, dating cornerman ni American world welterweight king Timothy Bradley Jr. ang gagabay kay Matthysse.

LUCAS MATTHYSSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with