^

Metro

Mabigat na trapiko mas lulubha pa ngayong Lunes

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lulubha pa ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong Lunes partikular sa Ortigas Center sa Mandaluyong City at ibang bahagi ng Eastern at Southern Mani­la dahil sa limang oras na dry run ng convoy para sa ika-51 Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting.

 Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority, ilan sa mga lugar na maaapektuhan ay ang mga kalsada sa Ortigas Center partikular sa ADB Avenue, EDSA-Shaw Boulevard, NAIA Expressway, Skyway, Imelda Avenue, at Southern Luzon Expressway.

Magsisimula ang ‘dry run’ ng convoy dakong alas-7:00 ng umaga mula sa NAIA hanggang alas-12 ng tanghali sa may ADB Avenue sa Ortigas Center.

Pinayuhan na lamang ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang Ortigas Center ng naturang mga oras lalo na ang mga hindi importante ang pakay sa lugar upang hindi maabala.

 Ang ADB Meeting, kung saan ang Pilipinas ang host, ay gaganapin mula Mayo 3 hanggang 6 at lalahukan ng mga delegado buhat sa iba’t ibang bansa.

TRAPIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with