^

Bansa

Unang araw ng paghahain ng CoCs sa Comelec dagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Unang araw  ng paghahain  ng CoCs sa  Comelec dagsa
Ipinapakita ng mga kandidato ang kanilang certificate of candidacy (CoC) nang magtungo kahapon sa Comelec office sa Arroceros, Manila.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mas lamang ang bilang ng mga tatakbo sa barangay positions na nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) kahapon kumpara sa mga nais na kumandidato sa Sangguniang Kabataan elections.

Kapansin-pansin din umano na mas nakararaming kandidato ang senior citizens at nasa kalahati umano ng naghain ng certificate of candidacy (CoC) ay kababaihan.

Gayunman, sinabi Comelec spokeperson James Jimenez na unang araw pa lamang ito na hindi inaasahang dadagsain na ang mga Comelec office.

Panay lamang umano ang tanggap ng CoC ng mga naghahain nito at sakaling may mga madi-disqualify ay hindi pa agad ito makikita sa ngayon.

Hinimok naman ang mga nais pang maghain ng kandidatura na may panahon sila hanggang sa Abril 20, 2018 at maaring mag-download ng CoC forms sa official Comelec website.

BARANGAY POSITIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with