^

Pang Movies

Overpriced? painting ni Goma halos P200-k ang halaga!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Overpriced? painting ni Goma halos P200-k ang halaga!
Goma

Pinag-uusapan naman nila ngayon ang isang painting na ginawa ni Mayor Richard Gomez. Ang sabi kasi nila, up for sale raw iyon sa isang exhibit at ang halaga ay nakakagulat na 196 thousand pesos. Ang mapagbibilhan naman daw niyan ay hindi ibubulsa ni Mayor Goma kung ‘di gagamitin niya para sa isang proyekto niya para sa mga mamamayan ng Ormoc.

Pero siyempre may mga taong ang reaksiyon ay bakit naman ganoon kataas ang presyo?

Alam ninyo ang mga paintings na ganyan, hindi naman ang pintor mismo ang naglalagay ng presyo sa kanyang trabaho. Karaniwan ang mga nagpapatakbo ng mga art galleries ang nagsasabi kung magkano dapat ibenta ang bawa’t isa. Ang batayan naman ng presyo ng isang painting ay hindi kung gaano kalaki iyon, o anumang materyales ang ginamit doon. Ang halaga ng isang painting ay nasa ganda at sa tinatawag nilang artistic value.

Malaking bagay din kung sino ang gumawa ng painting. Halimbawa, maraming kayong makikitang magagandang paintings diyan sa Mabini. Malalaki iyon at maihahanay mo doon sa mga likha ng mga kilalang artists. Pero kung sabihin nga, karamihan ay dinangkal. Ibig sabihin ginaya lamang ang ideya sa ibang originals na ginawa ng mga mas kilalang artists. Ang paintings nila ay nanganganak, ibig sabihin basta nabenta na, gagawa na naman sila ng isa pang ganoon din ang hitsura,

Iyong mga artists talaga, hindi gumagawa iyan ng duplicate ng kanilang trabaho. Ikalawa, ang binabayaran diyan ay iyong novelty ng obra. Halimbawa, malaki naman ang kaibahan noong sabihin mong ang painting na naka-display sa bahay mo ay likha ni Richard Gomez. Sikat eh.

Magpagawa ka ng painting sa isang artista rin, halimbawa ay si Maning Bato, huwag ninyong sabihing ganoon din ang presyo ng obra niya. Ang binabayaran mo nang malaki, bukod sa kakayahan, ay ang popularidad ng gumawa ng obra.

Halimbawa ang painting na iyon ay ginawa ni Goma ng dalawang araw, alam ba ninyo kung magkano ang kikitain ni Goma kung nag-artista na lang siya at nag-taping ng dalawang araw?

Juday napahamak sa mamahaling clutch bag!

Nang mag-post si Judy Ann Santos sa social media tungkol sa kanyang mamahaling bag, may nakialam na naman na hindi raw maganda iyon dahil bakit hindi sa halip na bumili ng mga ganoong gamit ay tumulong na lang sa mga naghihikahos nating mga kababayan?

Maiksi lang ang sagot ni Juday sa nang-iintrigang basher at sinabing, “hindi ko kasi uga­ling i-promote kung sino at ano at saan kami nagbibigay ng tulong...)”

Iyang mga artista kumikita naman nang malaki eh. Kung bumili man sila ng mamahaling gamit para sa kanilang sarili, ok lang iyon. Iyon ngang iba riyan eh, alam mong ang hanap buhay eh graft and corruption lang, ang gaganda rin ng gamit eh. Bakit hindi iyon ang sitahin nila?

Kung si Juday ay gumamit naman ng bayong, tiyak may mamimintas din. Iyang mga ganyan ang matatawag mong hecklers talaga. Mahilig silang makialam sa buhay ng may buhay. Wala silang alam kung di ang mamintas ng kapwa nila.

At saka teka, hindi ba ang may panguna­hing tungkulin sa pagtulong sa mga naghihirap na mamamayan ay ang gobyerno? Iyong DSWD? Bakit ipipilit ninyong gawin ni Juday iyong mga hindi nga nagawa ng gobyerno mismo? May narinig na ba kayong opisyal ng gobyerno na hindi bumili ng gusto nilang mga damit o gamit para maibigay na lang sa mahihirap?

Minsan iyang mga hecklers, walang alam kut­yain kung di ang mga artista. Iyon namang sinasabi nila ay hindi rin nila nagagawa. Hindi nga nila ginagamit nang tama ang isip nila eh.

 

RICHARD GOMEZ.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with