Kahinaan ng mga lalaki
Hindi madali sa lalaki na aminin sa mga misis ang kanilang kahinaan na lumingon sa ibang babae.
Sa unang daan ng maganda at seksing babae sa harapan ni mister ay puwedeng napipigilan pa rin ng kanilang self-control na huwag tumingin. Pero hindi namamalayan ni mister na tingnan pa rin habang naglalakad pabalik ang babae. Pinapayagan ng mga misis na tumingin si mister ng isa o dalawang beses, pero ang pagtitig nang matagal ang foul na saway at bilin ng mga nobya sa mga lalaki.
Walang masama na ma-appreciate ang kagandahan ng mga babae. Pero kapag dumating na sa puntong hindi lang simpleng napapansin ni mister ang ibang babae, kundi nai-enjoy na nito at naglalaro na sa kanyang isipan ang makamundong pagnanasa. Ito ang kahinaan ng mga lalaki, pero huwag kalimutan na walang taong hindi napaso sa paglalaro ng apoy. Kaya kailangang disiplinahin ni mister na ibalik ang tingin kay misis at lumayo sa tukso. Tama na mayroong battle ang mga kalalakihan, pero puwede pa rin mapagtagumpayan. Maaaring aminin kay misis ang struggle na napapalingon sa ibang babae, hindi dahil sa ‘di kuntento sa asawa. Kundi nahihirapan na paglabanan ang sarili, tukso, lust, at kasalanan sa paligid.
Kailangan ng panalangin ng mga misis na mapagtagumpayan ng mga mister ang kanilang kahinaan. Magtiwala sa Panginoon na magkaroon ng lakas si mister na gawin kung ano ang tama sa tulong din ng mga misis.
- Latest