^

PSN Opinyon

Sa Pilipinas pa rin lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI makapaniwala si Sen. Panfilo Lacson na isinasang­kot sa katiwalian si dating Pres. Noynoy Aquino, hinggil sa kontrobersiya ng Dengvaxia. Ayon sa inilabas na ulat ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan si Sen. Dick Gordon ang chairman, sina Aquino, dating Budget Sec. Butch Abad at dating DOH Sec. Janet Garin ang mga nasa likod ng pumalpak na vaccination program at kailangang managot. Batay sa kanyang pagkakilala kay Aquino, hindi siya naniniwala na may kakayanang gumawa ng nakasaad sa ulat ng komite. 

Hindi rin naniniwala si Sen. JV Ejercito na dapat managot si Aquino hinggil sa kontrobersya ng Dengvaxia. Naniniwala si Ejercito na naging pabaya lang sa pag-apruba sa paggamit ng Dengvaxia sa higit 800,000 mga bata. Sina Abad at Garin lang daw ang dapat managot sa kontrobersya, partikular sa bilis ng paglabas ng pondo, at sa bilis ng pagbigay sa mga bata kahit may mga babalang inangat. 

Pero alam ko na may mga grupo at tao na gigil na gigil sa pagsampa ng kaso laban kay Aquino at kung sino pa ang kanyang mga kaalyado hinggil sa Dengvaxia. Hanggang ngayon, wala pang ibang bansa ang naglunsad ng imbestigasyon sa Dengvaxia, tulad ng nagaganap sa Pilipinas. Walang ibang bansa ang nagpatigil sa pagbenta sa Dengvaxia, dahil may problema o masamang epekto sa tao. Kung may dapat managot, ito ang Sanofi Pasteur, na huli nang maglabas ng babala ng epekto ng kanilang bakuna at dengue. Pero kung tunay na masama ang Dengva­xia, hindi ba mas marami na dapat ang naapektuhan, pati na rin sa ibang bansa?

Sa ngayon ay hindi pa rin matiyak kung ang ikinamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ay dahil mismo sa bakuna. Ang ilang batang namatay at pinaimbestigahan ang dahilan ay namatay dahil sa ibang sakit o kundisyon, na walang kinalaman sa Dengvaxia. Hindi pa tapos ang pag-iimbestiga ng DOH, na naka-sentro sa ilang batang namatay dahil sa dengue. Kung tuluyang makakasuhan sina Aquino, Abad at Garin, baka doon na lang nga sa korte makakapagpaliwanag.

DENGVAXIA

SEN. PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with