^

Metro

Mahigit 200 drug surrenderees nagtapos sa skills training ni Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 200 drug surrenderees sa Quezon City ang nakapagtapos ng skills training program na inilunsad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Belmonte, layunin ng programa na ma­big­­yan ng sapat na kaka­ya­han ang mga drug suspects upang makapagsimu­la ng maliit na negosyo o pinagka­kakitaan.

“Hindi namin kayo hinu­husgahan dahil sa inyong nakaraan. Narito kami para tulungan kayong makatayo, kaya binigyan naming kayo ng simple at maikling kurso na magagamit ninyo sa pagsisimula ng inyong ikakabuhay,” pahayag ni Belmonte sa 291 benipisaryo sa graduation ceremony ng One-Day Livelihood Program sa Bernardo Park Covered Court sa Barangay Kamuning kahapon.

Sila ang unang batch ng benipisaryo ng programang ito na binuo ng Office of the Vice Mayor, Quezon City Skills and Livelihood Foundation, Inc., at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang mga kursong tinuturo ay balloon decor-making, candy-making, soap-making, meat processing, at home bread-making.

“Ito ay mga simpleng matutunan pero may pera sa mga ganitong kasanayan. With these new knowledge and skills you can start your life anew,” sabi pa ni Belmonte sa mga nagsipagtapos.

Ang mga benipisaryo ay nakatanggap ng Training at Entrepreneurship certificates at starter kits na naglalaman ng iba’t-ibang kagamitan na magagamit nila sa pagsisimula ng kani-kanilang pagkakakitaan.

QC VICE MAYOR JOY BELMONTE

SKILLS TRAINING PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with