^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mikki po ng Sta. Maria Bulacan. Binabati ko po ang lahat ng taga sa amin. Mahirap pala talagang pumili ng lalaking pwedeng maging boyfriend. Hindi naman ako gaanong kagandahan pero talagang mapili ako. Ayoko kasing magsisi at matulad sa iba na nagmahal, nagtiwala tapos iniwanan.

Tatlo ang lalaking pinagpipilian ko. Ang una si Andy. Gwapo siya, kamukha ni Coco, matikas at maganda ang tindig. Matindi siya kapag mag-ayang kumain sa mamahaling  restaurant at galante pa. 

Nag-aalangan ako sa kanya, dahil baka da­anin lang ako sa porma at pagkatapos eh bigla na lang magyabang at isama ako sa koleksiyon niya, para rin masabi na  mahusay siyang humanap ng girlfriend.

Ang isa naman ay matalino, lalo na sa calculus, parang batang promil. Klasmeyt ko itong si Felix. Grabe ang galing! Siyempre libreng sagot ako kapag exam. Kaso minsan kapag nakahalata na siya, medyo ang damot. Pero okey din naman para matuto akong mag-aral. Gusto ko siya, ang kaso baka hindi ko matagalan ang level ng utak niya. Saka sobrang seryoso, hindi ako makahirit ng biro.

Ang isa naman ay si Donito. Tinawag siyang Donito kasi mukha siyang boxer. Bato-bato ang katawan pati ang mukha. Nasisiyahan akong kasama si Donito. Ang tunay niyang pangalan ay Teddy kaso tinutukso siyang Teddy Bear. Kaya mas gusto na niyang tawagin na lang siyang Donito, parang may dugong winner.

Sa kanilang tatlo, mas masaya akong kasama si Teddy este Donito. Hindi nga lang mayaman at matalino. Ayaw sa kanya ng mga Bessie­ ko. Nakakailang daw, parang lagi kaming bina­bantayan ng body guard o kaya ng bouncer. Parang lapitin ng away daw itong si Donito.

Pero cool naman siya. Kahit hindi mahinhin ang galaw ko, ok lang sa kanya. Tapos na e-en­joy ko ‘yung mga kwentuhan namin.  Sana hindi ako magkamali kung sagutin ko ang isa sa kanila. Paano kaya, Dr . Love… sino sa palagay ninyo ang pwede ko nang sagutin?

Mikki

Dear Mikki,

Naniniwala ako na ang dapat mong piliin ay ang lalaki na totoo ang pagkatao at hindi lang nagpapaimpres. Matutukoy mo ito kung kikila­lanin mo pa sila ng mabuti. Gusto ko rin ipaalala na ang pakikipagrelasyon ay hindi lang para sumaya ka, kundi para maging maligaya rin ang iyong kapareha. Kung sino sa tatlo mong manliligaw ang nararapat, ikaw lang ang makakapagpasiya. Sino talaga ang nasa puso mo?

DR. LOVE

DRLOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with