^

Punto Mo

Boracay environmental fee, asan huwag tantanan

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HABANG iniiskoba ang mga illegal structures sa Boracay island para sa rehabilitation kailangan na rin isabay sa pagbusisi kung nasaan napunta ang malaking halaga ng salapi na ibinabayad ng madlang people na gustong tumuntong sa isla.

Ika nga, environmental fees!

Ginamit kaya ang salapi para linisin ang isla o ibinulsa diumano’y mga corrupt officials dito?

Kung intact ang salapi dapat ilabas ito para itulong sa rehabilitasyon ng bumantot na isla ?

Dapat kalkalin kung saan dinala ang salapi at kung sinong mga umano’y opisyal ang nakinabang dito kung mayroon man ?

Hindi birong madlang turista ang tumutungtong sa Boracay everyday.

Sabi nga, hindi lang madlang Pinoy ang pumupunta dito pati ang mga banyaga ay gustong-gustong makarating sa isla at binabalik-balikan pa.

Kaya tiyak malaki ang environmental fees na naibayad ng madlang people dito.

Nasaan kaya ang malaking halaga ng salapi?

May mga bumubulong pa pati sa snorkling area ay may perang sinisingil din umano?

Nasaan ang salaping ito?

Sa April 26, ay sarado na ang isla sa lahat ng mga turista para gawin ang dapat gawin, linisin ang dapat linisin, gibain ang dapat gibain para muling manatili ang ‘paraisong isla’ sa mata ng madlang people at lalong mamangha at matakot ang mga banyaga dito.

Hindi siguro dapat manghinayang sa sandaling pagsasara dahil ang buwelta naman nito ay kasaganaan.

Sabi pa nga ni Boss Digong ipamamahagi niya na rin sa magsasaka ang lupain sa isla oras na ‘land reform’ ito.

Ano sa palagay ninyo?

Palakpakan si Boss Digong dahil ang mga mahihirap sa Boracay ay magkakaroon ng sakahan kapag nagkataon.

Kambiyo issue, siguro dapat pangalanan ang may sala at mga kumita ng malaking halagang salapi na nagkankong ng ‘environmental fees,’ pangalanan silang lahat huwag itago sa madlang people of the Philippines my Philippines para huwag nang pamarisan, magtanda at magsilbing aral sa mga gustong gumawa ng mga kalawanghiyaan.

Ika nga, pasikatin silang lahat!

Dapat umpisahan ng busisiin ng DILG ang imbestigasyon sa mga opisyal ng gobierno partikular ang DENR na kinonsente ang paglalagay ng mga istruktura sa ilang lugar ng isla na ipinagbabawal ng batas.

Sabi nga, madaliin na rin!

Marami ang naglibag este mali lumabag pala sa batas pero marami rin ang sumunod sa itinadhana ng batas.

Nagtataka ang madlang people sa ibang lugar kung paano nakapagpapatayo ng mga establisimento ang mga owners na karamihan walang ECC permit sa DENR at sa mga bawal na lugar sa isla?

Magkano kaya ang lagayan dito?

Sangdamakmak ang paglabag na ginawa ng tao sa isla ng Boracay sila rin ang sumalaula dito kaya nagpapasalamat tayo at naamoy ni Boss Digong ang bumantot na isla.

Abangan.

 

BORACAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with