Lahat nang sobra ay masama!
ANG mga lumabag sa batas ay inilalayo sa lipunan upang hindi na muling makasakit, makapanloko ng mamamayan. Ang mga napatunayang nagkasala ay inilalagay sa kulungan upang magnilay sa kanilang mga kasalanan.
Maunlad naman tignan ang ibang mga kulungan at maayos ang pakikitungo ng ibang mga tagabantay, ngunit may isang jail warden sa Metro Manila District Jail, sumobra sa kanyang kapangyarihan!
Ang hiling ng mga preso: Makabisita muli ang kanilang mga pamilya. Kaso, ang walang pusong warden, binalewala ang kanilang hiling! At dahil dito, nag-ingay ang mga preso bilang protesta.
Ang sinapit ng mga preso, sugat-sugatan, at may pasa nang iniutos ng alkalde sa mga jail officers nito upang magsitigil!
Lumapit sa Kilos Pronto ang mga misis ng mga nabugbog na preso upang mabigyan ng hustisya ang sagarang karahasan na sinapit ng kanilang mga Mister!
Kinumpirma ni Usec. Nestor Quinsay Jr. ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagkaroon ng violation sa loob ng MMDJ nang dahil sa mga nadiskrubeng kontrabando.
Kaya ang ginawa raw ng warden ay ipina-confine muna ang mga preso nang dahil sa paglabag. Sa kasalukuyan, tuloy ang imbestigasyon ukol sa naging insidente.
Itinutukoy namin nila Alex Santos at ‘tol Erwin kung berbal ba o may kasulatan tungkol sa naging insidente upang maisigurado na hindi ito pinagtatakpan! Pero si Usec., paligoy-ligoy pa sa kanyang mga pinagsasabi.
Sa huli, sinabi rin Usec. Quinsay Jr. na mali na bugbugin ang mga preso at titingnan din ng DILG ang naging report ng mga reklamo.
Nang nasa linya namin si Senior Inspector Xavier Solda, ang spokesperson ng BMJP o Bureau of Jail Management and Penology, hindi nila palalampasin ang naging insidente “maliban na nga lang kung kakailanganin pero dapat hindi fatal force”, isang pagtango sa naging karahasan sa selda.
Sa kasalukuyan, inaayos muna ang mga nasirang utilities upang maibalik nila ang pribilehiyong bumisita ang kanilang mga pamilya, at sila’y mag-iimbestiga sa abuso na ipinakita ng alkalde.
Dito sa Kilos Pronto, ipinaglalaban namin nila ‘tol Erwin at ni Alex Santos ang mga karapatang pantao. Naintindihan namin ang security protocol at strict implementation sa isyung ito, pero lahat ng sobra ay nakasasama.
Mapa-kriminal man, pobre, o ang mga namumuhay ng maayos, pantay pantay ang pagtrato at dapat inirerespeto ang kanilang karapatan. Hindi dahil sila’y namuhay bilang kriminal ay tatanggalan na natin sila ng kanilang mga pribilehiyo.
- Latest