^

Pang Movies

Stalker ni Taylor Swift tuloy ang pagbabanta!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Stalker ni Taylor Swift tuloy ang pagbabanta!
Taylor

Nabigyan ng ten years probation ang lalakeng nagtangkang patayin ang singer na si Taylor Swift at ang kanyang pamilya.

Noong 2016 inaresto si Frank Andrew Hoover dahil sa pag-violate nito ng isang restraining order dulot ng pag-stalk niya kay Swift.

Patuloy na nagpapadala ng mga threatening emails si Hoover sa ama ni Taylor na si Scott Swift noong 2017.

Ang mga nilalaman ng emails ay mga messages na “evil family of devils”, “enjoy the brain aneurysms and death”, “Decided that we are going to end all the Swifts on one day because I can’t stand that virus s--t your daughter spread” and “Go to hell, Swift”.

Bukod sa 10 years of probation, naka-monitor si Hoover via GPS para malaman ang location niya. He is to stay away one mile away kung saan nandoon si Taylor at ang family members nito.

“Hoover also has to complete psychological testing, and attend substance abuse classes, surrender all firearms and undergo random drug testing. Failure to follow the rules of probation could lead to jail time for Hoover,” report pa ng TMZ.

Rocco pumiyok sa panggagamit kay Sanya

Noong i-reveal ng Kapuso hunk na si Rocco Nacino ang relasyon niya sa volleyball player na si Melissa Gohing, maraming fans nila ni Sanya Lopez ang na-disappoint dahil umasa sila na magkakatuluyan ang dalawa.

Tinaon pa kasi ni Rocco noong matapos ang teleserye nila ni Sanya ay doon niya nilabas na may non-showbiz girlfriend pala siya.

Asar ang fans dahil pinasakay lang daw sila ni Rocco at pinaniwala na gusto nito ang idol nilang si Sanya. May parega-regalo pa raw ito noon, ‘yun pala ay ginagamit lang niya ang tambalan nila.

Sayang at malakas pa naman daw ang team-up nila. Paano pa raw nila susuportahan ang pagtambal ni Sanya kay Rocco kung meron na itong karelasyon na iba?

Tipikal na reaksyon ito ng fans, lalo na kapag gusto nilang magkatuluyan ang kanilang mga idolo na bini-build up bilang loveteam.

Kung inamin daw sana ni Rocco sa simula pa lang na may karelasyon ito, hindi na raw sana umasa ang fans na puwedeng magkatotoo ang pakikipagtambalan nito kay Sanya na nagsimula sa telefantasya na Encantadia.

Ito naman ang reaction ni Rocco sa fans na nagalit sa kanya dahil sa naging relasyon nito kay Melissa.

“There are people who are happy, there are people who aren’t.

“I mean, it’s normal, it’s showbiz, pero it’s how you balance things and how you shrug people who say mean things about you.

“Just say, mag-’God bless’ ka na lang sa kanila. Si Lord na ang bahala sa kanila.”

TAYLOR SWIFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with