^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal ang casino sa Boracay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Bawal ang casino sa Boracay

MARAMING natuwa, kabilang ang Simbahang Katoliko, sa paghahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na walang itatayong casino sa Boracay. “I did not say I will allow casino there,” sabi ni Duterte noong Lunes nang aalis siya patungong China. Wala raw siyang sinabi na magtatayo roon ng pasugalan. Maski nga raw kubo ay hindi siya papayag na itayo roon. Sinabi rin ng Presidente na ang Boracay ay isang agrarian reform area at pag-aari ng gobyerno. At maaari niyang ipamahagi sa mga magsasaka ang lupain doon. Bibigyan niya umano ng traktora ang mga magsasaka para may magamit sila.

Ang paghahayag ni Duterte na walang itatayong casino sa Boracay ay ginawa makaraang kumalat ang report na kaya isasara ang island resort sa loob ng anim na buwan ay dahil sisimulan ang construction ng isang malaking casino. Ang pinagmulan umano ng report ay si Sen. Antonio Trillanes IV. Da­lawang major casinos umano ang itatayo sa Boracay at ina­prubahan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Sabi naman ng PAGCOR, ang permit umano ng dalawang casinos ay provisional lamang.

Bawal ang casino sa resort island na tinawag ni Duterte na “cesspool” o poso-negro. Ito ang dahilan kaya niya ipinasara ang Boracay. Sobrang dumi ng karagatan na walang ipinagkaiba sa poso-negro sapagkat dito iniluluwa ng mga hotel, restaurants, bars, at iba pang establishments ang kanilang dumi. May mga PVC pipes na nakaumang sa dagat at doon dumadaan ang dumi mula sa lababo, banyo at ang matindi para sa comfort room.

Mga iresponsable ang mga resort at hotel owners sapagkat wala silang water-waste treatment facilities. Lumalabag sila sa environmental laws at kaya lantaran ang pagwasak sa kapaligiran ng Boracay. May mga establishments na kinain na ang dalampasigan kaya lalo pang nasira ang tanawin ng Boracay.

Sa loob ng anim na buwan ay lilinisin ang Boracay. Magkakaroon ng bagong anyo ang sikat na tourist resort at tiyak na dadayuhin pa ng mga turista. Tiyak din na walang casino na itatayo kaya maili­ligtas sa pagkalulong ang mga magsisitungo roon. 

BORACAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with