^

PSN Palaro

F2 Logistics, Petron tangka ang semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Gen. Trias Sports Center)

4 pm  F2 Logistics vs Smart

6 pm Petron vs Generika-Ayala

MANILA, Philippines — Dadagitin ng nagdedepensang F2 Logistics at Petron ang unang dalawang silya sa semifinals sa pakikipagtipan sa kani-kanilang karibal sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix quarterfinals na idaraos sa Gen. Trias Sports Center sa Gen,Trias City.

Mapapalaban ng husto ang Cargo Movers kontra sa Smart Prepaid na pamumunuan ni Cuban import Gyselle Silva sa alas-4 ng hapon habang sasagupain naman ng Blaze Spikers ang Generika-Ayala sa alas-6 ng gabi.

Nakuha ng F2 Logistics at Petron ang unang dalawang puwesto sa classification round matapos kumulekta ng parehong 9-1 marka para mabiyayaan ng twice-to-beat advantage.

Maghaharap naman sa hiwalay na semis games ang third seed Cocolife laban sa Cignal at fourth seed Foton kontra sa Sta. Lucia Realty.

Armado rin ang Asset Managers at Tornadoes ng twice-to beat.

Inaabangan na ang bakbakan ng Cargo Mo­vers at Giga Hitters.

Mamanduhan ang F2 Logistics nina Venezuelan Maria Jose Perez at American Kennedy Bryan kasama ang local aces na sina Cha Cruz, Aby Maraño at playmaker Kim Fajardo.

Gagawa ng solidong plano ang Cargo Movers upang pigilan si Silva na pumutok sa kanilang nakalipas na laro nang magtala ng 56 puntos para wasakin ang scoring record sa liga.

Gagawin ni Silva ang lahat upang maipuwersa ang rubber match sa serye.

Kailangan lang nito ng solidong suporta mula sa local players partikular na kina middle hitters Raine Fabay at Maureen Penetrante-Ouano, setter Janet Serafica at libero Sha Torres.

Sa kabilang banda, matikas din ang Petron na kukuha ng lakas kina American spikers Lindsay Stalzer at Hillary Hurley.

Sa kabila ng tinamong kabiguan sa Sta. Lucia,  25-18, 25-21, 25-17, mataas pa rin ang moral ng Petron.

Sa katunayan, nakabawi ito agad nang patumbahin ang Cocolife, 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13, sa kanilang huling asignatura sa eliminasyon.

Masuwerte ang Petron dahil tunay na maaasahan ang mga lokal na manlalaro nito gaya nina Ces Molina, Mika Reyes, Remy Palma at Aiza Maizo-Pontillas.

Kailangan itong tapatan ng Lifesavers kaya’t doble kayod ang gagawin nina imports Darlene Ramdin at Symone Hayden.

Galing ang Lifesavers sa 25-22, 25-20, 25-20 demolisyon sa Cignal. 

PHILIPPINE SUPERLIGA (PSL) GRAND PRIX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with